Monday, August 27, 2007

the mag:net jinx

ang saya ng God Knows Hudas not Pay the anniversary kahit may mga annoying changes sa band line-up, kesyo late ang bandang ganyan so mammove lahat, etc. nung set na namin, konti nalang ng tao kasi umaga na tapos last band kami, kahit gusto magstay ng mga tao, hindi na puwede kasi alas-dos na 'ata 'non. twice na yan sa mag:net. jinx. shit happens. pero all in all, it was a successful night. congrats sa Ang Bandang Shirley dahil ang daming pumunta, nakakagulat yung (star-studded haha) attendance kahit galing lang sa baha at bagyo yung Metro Manila.

Bagong bili yung camera ko kaya nabinyagan siya that night! Some photos taken by Ping:




more photos here!

Sobrang weird nakalimutan ko yung tamang pasok sa Stolen Flowers nung set na yun! Stolen Flowers pa! Eh kasali yun sa all-time favorite Pillow songs ko. Kagulo, eh hindi naman ako uminom dahil 60pesos ang beer sa Mag:net. Mahal! Tumatanda na 'ata ako ah.

Friday, August 24, 2007

16Ft (live) @ Magnet; The Fort

Late Post: Soft Pillow Kisses @ Magnet (The Fort)

Hello everyone...

i've been very busy the past few days... work related nga eh... and at last, all systems go na for me to go to the US...

Last week, we played at Magnet (The Fort)... we were really happy that night kasi complete kami... Me, Marian, Charles, Rene and Jann Paul... we didshed out six songs that night and kahit na kami yung pinaka-last na band at halos mesa't unpuan nalang ang mga nasa harapan namin, we still had a truly enjoyable set... Sadly, baka yun na muna ang last gig na kumpleto kami because Charles will be busy again... I on the otherhand will be US-bound for a month, Jann Paul, i think, will still be doing night shifts while Rene on the other hand, well i don't know yet as to what's eating up his time lately...

one memorable part of that Magnet gig was during the song "Stolen Flowers"... Marian made a mistake with the lyrics which really caught us all by surprise and eventually shortening the song... I have it on video, just can't find the right time to post it... maybe soon...

Saturday, August 18, 2007

Tigang As Hell...

Hello Everyone...

Sana naman, all systems go na later... Wala na sanang kokontra... Excited na akong makasama mga Bandmates ko... Miss ko na rin ang Pillow eh... Bagong gupit pa naman si Charles...

Sana tigil muna ulan para tuloy ang ligaya!

Friday, August 17, 2007

God Knows Hudas Not Pay the anniversary special

Ipinatigil na ng Catholic Church ang pagdarasal para sa ulan. Kasi ngayon, answered prayer na siya. Super answered prayer!!! Waaah itigil niyo na kasi basa na lahat ng flats at bootch ko! Tapos hindi ko mabilad sa araw kasi walang araw. Tapos kailangan pa namin mag-cancel ng gig sa Saguijo last Wednesday (sorry Christian Bautista!) dahil bumabaha sa Buendia. Ang tagal na tuloy tigang ng Soft Pillow Kisses!

Pero tomorrow, we are tigang no more because we have a gig yeheeey. Sana pogi kami ulit bukas parang the last time we were in Mag:net High Street. We’ll be playing tomorrow for God Knows Hudas Not Pay anniversary special. Here’s the line-up:

Taken By Cars
Plane Divides The Sky
Cambio
Giniling Festival
Spazzkid (formerly Cocolulu)
Ang Bandang Shirley
Ciudad
and Soft Pillow Kisses

P150 and love is all you need! Kitakits sa Mag:net Fort! We heart you!

Congratulations Papa Chals!!!

Tuesday, August 14, 2007

Soft Pillow Kisses Update...

Hello Everyone...

Ginagawa ko ito sa Candyaudioline Blog paminsan-minsan at first time ko lang gagawin ko ito sa Soft Pillow Kisses... So Here it goes...

Marian (Taken from her post) - Updates lang: Makati office girl na ko. Himala, nag-settle din ako after months of searching for the perfect job. Natagpuan ko na 'ata yehey :) Walang dress code, flexi ang schedule, Internet the whole day, may headphones provided para makinig ka sa mp3s/CDs mo, walking distance sa Greenbelt 1, may mobile allowance, walang time in/time out ang breaks, at hindi nakaka-bato kasi ginagawa ko yung gusto ko. Panalo! (That's very nice to hear/read)

Charles - tatay na sya since last Thursday pa yata... at the same time, problemado din sya syempre sa mga expenses nya... yung isang banda nya ay d pa yata bumabalik galing US kaya hayun, wala pa syang kita... pero ayun sa mga relaible sources, madalas daw galit itong si Charles... nung huyling magkasama kami nyan sa isangf gig ng Candyaudioline sa Sharkeys nung Aug. 11, ramdam na ramdam namin ang galiut ni Charles, pati nga ako at si Rene ay nagalit din samantalang si Dennis yata mas naguton eh pero may galit pa rin...

Rene - Study Hard naman ang tema ng buhay ni Rene ngayon... maluwang ang scheds nya from Sunday to Wednesday pero pag Thursday until Saturday nag mimistulang laman ng Ospital ang butuhing nilalang na ito... Abala rin sa sa pag-sa-soundtrip sa kanyang kaisa-isang prized possession... ang kanyang PSP kung saan doon sya nag-lalaro ng mga games, nakikinig ng music ant nanunuod ng kung anu-anong videos... Huling magkasama kami ang medyo lumiit na ang pimple nya sa right cheek nya...

Jann Paul - hay naku... yah ang pinaka-misteryosong myembro ng aming banda... mahirap silipin ang mga pinag-gagawa nyan sa araw-araw... ang alam naming lahat eh busy sa work yan tapos night shift pa sya kaya hindi mo na makikita yan na nakatambay sa isang waiting shed sa tapat ng Housing sa may Quezon Memorial Circle pag gabi...

Me - may mga pi-nost na ako sa Candyaudioline na Blog about what I've been up to lately pero I'll add some more... i'm trying very hard to lose weight in preparation for my going to the US... also i've been very frustrated at trying to get myself a new but cheap handycam... Badtrip kasi yung nabili namin sa Hong-Kong eh... also i'm trying to cope with a certain ache that occasionally pops up somewhere near the heels region of my foot... i've been experiencing this for more that a week now...

There you have it... as if you care di ba... but for those whose a bit interested at what's going on with lately, this posts is for you... Hopefully we could get a gig before i leave for the US or if not, at least get to have a practice session and record some of it on video and post it somewhere like youtube or multiply so that we'll have something to share...

That's that for now... see you soon...

Monday, August 06, 2007

wet look

LAKAS ng ulan!!! Kanina naglalakad ako papuntang Greenbelt 1 galing office nang biglang BUMUHOS yung ulan with matching intense winds from everywhere and anywhere. Ayun, dahil allergic ako magdala ng payong (kailangan sapilitan at matagal na pangungulit bago ako pumayag magdala), kinailangan ako sunduin ng nanay ko na adik naman sa payong. Note: walking distance lang ofc niya sa ofc ko. Tumawid lang kami sa kabilang kalye with her big blue umbrella, nalunod na yung kung-fu shoes ko (buti nalang maong), nabasa yung LOOB ng bag ko at nauso na ang wet look in a matter of seconds. Amazing.

Updates lang: Makati office girl na ko. Himala, nag-settle din ako after months of searching for the perfect job. Natagpuan ko na 'ata yehey :) Walang dress code, flexi ang schedule, Internet the whole day, may headphones provided para makinig ka sa mp3s/CDs mo, walking distance sa Greenbelt 1, may mobile allowance, walang time in/time out ang breaks, at hindi nakaka-bato kasi ginagawa ko yung gusto ko. Panalo!

Si Allan nakabalik na from watching The Cure in Hong Kong kaya puwede na ulit kami mag-gigs! August na at sana malapit na matapos ang night shift phase ni Janpol so we can have him back in the ball game!

Friday, August 03, 2007

Hong Kong Garden...

Hello Everyone...

The Cure Live in Hong Kong... Free trip to Hong Kong... Eagerly anticipated vacation for me with plans of doing and buying stuff which which i never had a chance to do during my 1st time there...

Now I'm home, disappointed at the concert and disappointed at the whole excursion... At The Cure concert, i got annoyed at a lot of things most specially at the bassist of the band... Alaso we got ripped off while buying a camera... to anyone going there, please avoid those shops especially the SONY shops in Nathan Road...

That's that for the meantime...