Monday, February 09, 2009

After-Buzz-Kabab-Session... Nymphee-Bud Galit Sa Elitista?

dito ko nalang sa Pillow Blog i-popost ito since 3 (Me, Apple and Rene) is to 1 (Ecay) naman ang ratio ng attendance sa after-gig-eating session na ito eh...

actually dapat sa Candy Blog talaga since si Ecay yung Bida sort of kaya lang tinamaan ng antok sa gitna na maatikabong suyuan na naganap sa labas pa lang ng Freedom Bar...

anyways, wala nang mas hihigit pang nakakapawi ng pagod after ng isang gig kundi ang pag kain sa isang mataong lugar na punung puno ng nag-gagandahang tanawin kasama ang mga kaibigan mo... pag-pasok pa lang namin dun eh nagpuputiang balikat at kilikili na agad ang sumasalubong sa aming mga mata... sayang hindi nga lang kumpleto ang original cast pero masaya pa rin kasi may mga guest stars kami nung gabing iyon... kasama namin si Sir Carl at ang Slumbook... hehehe, medyo wholesome kami ng konti nung gabing iyon kasi nakasentro ang aming atensyon sa bassist ng Slumbook... panalo talaga ang diskarte ng mga kabanda mo para sa iyo... Syempre aliw na aliw kami ni Rene sa kaka-observe... yun lang di ko na rin maalala ang iba pang detalye kasi inagaw ang attensyon ko ng isa pang kaibigan na nakita ko rin sa lugar na yun at nakakwetuhan... di tuloy namin nagawa ni Rene ang basagan ng banda portion...

etong kaibigan na ito ay isa sa mga dating Nymphetz buddies namin... nagbabanda pa rin cya, at he was a bit surprised to learn that we (Pillow, Candy and Buzz Night) were still at it... kung saan saan pa napunta ang usapan namin like kung saan ang mga bagong skin spots at kung anu anu pang kamunduhan... syempre, bilang music lovers eh napunta rin ang usapan namin sa eksena and i was so surprise at how he was so pissed at the "Elitistas"... Hehehe, may mga Elitista pa pala?

Friend, wag ka magpapaniwal dyan sa mga Elitistang yan... Pinoy din yang mga yan at malamang eh tsumatsamba lang... Harap mo sakin yang mga yan at papa-ulanan ko ng... wag na nga lang... Elitista rin pala ako... pero iba ako...

hinto ko na muna... pangit na eh... isasa-isip ko nalang ang magandang Perfromance ng Pillow nung gabing iyon at syempre ang masayang kainan afterwards... sana Next Time mas marami pang makasama... Syempre yung trip lang naing isama... di Baling mag-hirap sa gastos basta masaya...

No comments: